Ilang gabi pa ba?
7/06/2018 08:36:00 AM
Ilang gabi pa ba?
Napakaraming tanong ang bumabagabag sa aking isipan
Gaya na lamang ng:
Ilang gabi pa ba matutulog sa mga basang unan?
Ilang gabi pa iisipin kung ano ang iyong kalagayan?
Ilang gabi pa ba magtitiis sa malamig na kumot na dati'y init ng iyong yakap?
Ilang gabi pa ba makakapiling ang malamig na simoy ng hangin na nagpapaalalang ika'y wala na?
Ilang gabi pa ba ang iintayin para sa iyong pagbabalik, mahal ko?
At sa lahat,
Babalik ka pa ba?

0 comments