Ikaw ang pag-asa
1/13/2017 12:25:00 AM
Ikaw ang pag-asa
Wala akong makita
na parang nagalit bigla ang tadhana
pinuno ng dilim
na tanging ang solusyon ay dasal na taimtim
Sa'yo ako kumakapit
buong puso'y nilalapit
punan ng pag-asa
kagalakan ay matamasa
Sa dilim ng sitwasyon
Ikaw ang solusyon
Ikaw ang ilaw
Ikaw ang pag-asa

0 comments