Libangan

12/13/2016 01:57:00 AM



Libangan

Ako yung electric fan na iyong binubuksan kapag ika'y naiinitan
Ako yung kandila na iyong sinisindihan kapag ika'y nadidiliman
Ako yung juice na iyong iniinom kapag ika'y nauuhaw
Ako ang iyong "waiter,  pahiram ng extrang upuan"

at siya...

Siya ang hangin. Siya ang ilaw. Siya ang tubig. At siya ang "Waiter, table for two please."
At doon ako naliwanagan, hindi pala ako ang priority, marahil "option" mo lang ako.

Isa nga lang pala ako sa libangan mo
libangan na tuwing wala siya, ay iyong pinupuntahan
libangan na kapag hindi ka niya pinapansin, ay iyong kukulitin
libangan na kapag wala siya, may ako







You Might Also Like

0 comments

Translate

"Life is too short to wake up with regrets."

Contact Form

Name

Email *

Message *